Wednesday, January 13, 2010

MGA HALIGI AT POSTE NG PCSO

HARDKNOCKS 04-26-08

MGA HALIGI AT POSTE NG PCSO



Chairman Serge Valencia, G.M. Rosario C. Uriarte, Board members Manoling Morato, Gabby Claudio,Teresita Gonzales at Victor Domingo – sila ang mga galulang ng PCSO family.

Sa hanay ng opisyales at rank-and-file mga pangalan at personalidad na makikilala dahil sa kanilang ‘quality service at dedication’ ay sina Tita Flory, ‘Iron Man’ Jack Sainz, Roger C. Ramirez, ‘workaholic’ Kaka Romy Quinones, Baby Manalad, Jasper Espino, Dr. Larry Cedro, Ka Floring, Joe Malang, Joel Pastores, Benny Aguas, Ka Pepe Magsumbol at marami pang iba.

Si Flory Rosal ay ang lumikha at nagcompose ng PCSO Corporate Hymn. Nagavail siya ng Early Retirement Plan, ngunit ngayon, isa siyang Confidantial Agent (CA) ng ahensiya na tumutulong sa PCSO Music Ministry. Isa siyang ganap na composer, soprano at isang manunulat.

Si Sir Roger C. Ramirez ay ang Hepe ng Administrative Department, ang pinakamalaking departamento at may pinakamaraming empleyado sa PCSO. Isang batang batang official with very positive outlook sa buhay itong si Roger kahit dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. Under his turf, marami siyang nagawang mga paraan upang makinabang ang higit na 2,000 libong kawani ng ahensiya, sa pamamagitan ng mga seminar at workshops upang maiakkyat ang anta sang kakayahan ng mga kawani. Siya ang naghain ng ibat’t ibang spiritual na pangangailangan ng mga paraan mabigyan kahulugan ang wastong pagingat sa pangangatawan sa pamamagitan ng fitness seminars, sports at recreation activities. Ang tamang bitamina at nutrition ng pangangatawan ay isa rin sa pangunahin concern ni Roger. Siya ay isang ganap na ‘action man’ na pinagkakatiwalaan ng management.

Jack Sainz. Tinagurian ‘Iron Man’ dahil sa kanyang lakas na pisikal at bulto ng katawan na talagang larawan ng lakas. Siya ay pinakamahusay na welder at pabricator ng PCSO. Kaya niyang magasembol at gumawa ng barbells, gym benches at ibat’ ibang equipment sa palakasan. Isa rin siyang dalubhasa sa Martial Arts . Nguni’t sa kabila ng kahusayan niya sa steel fabrication, mayroon siyang ginintuang pusong matulungin at mapagkumbaba. Naniniwala siyang ang anking lakas at talino ay dapat lamang gamitan sa pagtulong sa kapwa.

Si Kaka Quinones ay isang professor din ng law at political science. Eccentric, ngunit super friendly, isa siyang dalubhasa sa negosasyon at isang matabil na mananalita. Isa siyang manager na may pusong tumulong sa mga kapos palad at naagrabyado. Kadalasay siya ang takbuhan ng mga kawani upang idulog ang kanilang suliranin at humingi ng payo ni Kaka. Siya ay magaling na researcher na kinikilingan ng management. Kaka ‘Magtangol’ ang dapat na ibansag sa kanya bilang pagiging matulungin at pagshe share ng kanyang mahalagan panahon sa mga nangangailangan. Siya ang Manager ng Special Projects Department.

Jasper Espino, mataan, makisig,magalang,matulungin, isa siyang computer expert at senior official sa Management Information Service ng PCSO at isang Sport aficionado ng Basketball. Ganap na isang dedicated at wholesome na kawani itong si Jasper na anak ni Ka Amading Espino, isa rin pinagpipitagan official ng PCSO sa Administrative Department ni Mr. Ramirez. Itong six footer na si Jasper ay di katakatakang maging future Manager dito sa PCSO.

Dr. Larry ang bansag dito kay Dr. Cedro, Assistant Manager ng Free Medical Clinic Department, Dental Sector. Isa siyang dalubhasang dentista. Isa siya sa CESO holders ditto sa PCSO, at complete gentleman. Isa siyang pinagmamalaking medical practitioner ng ahensiya. Kaya naman, dahil sa objectivity at kahusayang magbigay ng advices si Doc Larry ay isa sa maraming committee na pinagsisilbihan, kahit na sangkatutak and trabaho, wala siyang complain, whatsoever. Gentleman, professional, at isang role model itong si Doc Larry.

Ipa ‘edit’ kay Ka Floring Ramos, nasa 70s na ang edad nguni’t ‘kumakasa’ pa at very much alive and kicking itong tinitingalang tatay at haligi ng PCSO na batikan rin manunulat. Isa sa kanan kamay ni RR(Ramirez), si Ka Floring ay pununong puno na buhay sigla at sense of humor. Kadalasan sa inyong pakikisosyalan over red wine at barrels of beer, magugulat ka sa mga jokes ni Ka Flor. Isa ring siyang ‘walking dictionary’ na ang mga payo ay kinagigiliwan ng kanyang mga kakosa at katomahan. Noong kanyang kalakasan, kaya niyang ubusin ang isang bote ng Fundador na walang katulong. Malakas din sa beer, at habang nagkakasayahan, kaayaaya ang kanyang binibigkas na pananalita na nagtataglay ng tula, sanaysay at kuwentong bihira na natin marinig sa mga taong nasa kankayang edad. Mithiin niya ang panumbalik na Sweepstakes Today sa pangunguna ng inyong habang lingkod.

Joe Malang or Atty. Malang, Manager ng Internal Audit Department ay isang ganap na ‘Scholar’. Isa siyang estudyante ng Instituto Cervantes na nasa Advance Level ng Spanish Language Course. Conversant siya sa espanol at magaling rin magsalita,magsulat at magdiscurso sa Ingles, madalas rin siyang mahalal na spokesman ng seminar –workshops sa PCSO AT ibang mga organisasyon. Siya ay matuturing na isang ‘Fitness Guru’ sa ahensiya, at kahangahanga ang kaniyang legacy ng pagconvert ng bodega sa Internal Audit upang empower ang mga empleyado dito sa kanyang 64 square meter na gymnasium na kinagigiliwan di lang ng Internal Audit Department employees kundi lahat ng nagnanais papawis at palakasin ang pangangatawan. Sa gym na ito may cardio machines, punching bag at free weights. Friday nights are Friday club for the boys where Malang and his boys unwind. Arriba tu, Malang!

Itong si Joel Pastores naman ay isang komidiante. Ang talent niyang magpatawa without trying too hard is his asset aside from being one of the PCSO Lotto anchorman. An gab ilidad niyang gumawa ng spoof sa isang panandaling panahon ay kahangahanga! Imposibleng magkaroon ng kagalit itong taong ito sapagkat napaka friendly, magalang at matulungin. Sa ngayoon isa siya sa Social Worker na naka detail sa Office of the General Manager. Dahil sa kagalingan niyang magpatawa at magsalita madalas siyang maghost at magemcee sa mga iba ibang events sa PCSO.

Kung and suliranin ng PCSO ay ang mga justifications hinggil sa mga biyaya, si Manager Benny Aguas ka magtunggo! Si Benny Abuas ay ang Manager ng Accounting and Budget Department. Isang fitness buff, makikitang nag jo-jogging siya tuwing umaga sa paligid ng PCSO premises ditto sa Q.I. aroung 6:00 a.m. Siya lang ang masipag na gumagawa ng ehersisyong ito.

Ang presidente nitong Sweepstakes Employees Union or SEU as si Jose Ka Pepe Magsumbol. Ang pangunahin misyon niya ay mabigay ng management sa lahat ng kawani ang mga bonus at biyaya t pribelehyo ayon sa batas. Marami na dsring ipinaglaban sya at napakinabangan ang mga kawani ng PCSO.

Sa larangan ng palakasan di makakalimutan ang mga pangalan – Rolan Kapunan, veteran golfer at bowler; Betsy Paruginog, Hermie Villanueva, Diday Abasolo.

Sa larangan ng Basketball ay nangunguna sina – Jeff Magsumbol, Nandy Reyes, Justin Santos, Raymond Reyes, Mon Cecillo, Tedy Balauag, Dindo Miranda, Nep Gigante, Michael Fernando at marami pang iba. Di na maglalaho ang mga nagawang contribution nitong mga atletang ito at personalidad na nabanggit, sila and bumubuo ng mahalagang eksenang naganap upang ang PCSO ay maging isang matatag na institusyon sa ating lipunan.

No comments:

Post a Comment